Hinihingi ng mabisa at mabilis na pagtuturo ang pag-gamit ng mabubuting pamamaraan ng pagtuturo. Nakasaalay sa mabuting pamaraan ng pagtuturo ang matagumpay, kawili-wili at mabisang pagkatuto ng mag-aaral at pagtuturo ng guro.
Walang isang paraan lamang na masasabing sadyang mabisa para sa lahat ng uri ng paksang aralin o isang pamamaraan kaya na angkop gamitin sa lahat ng pagkakataon. Kaya ang guro ang nagbabalak at nagpapasya sa pamamaraang kanyang gagamitin na angkop sa bunga ng pagkatuto na nais niyang makamtan ng mag-aaral, angkop sa sitwasyon, angkop sa kakayahan ng mag-aaral at gayon din sa uri ng paksang-aralin at asignaturang kanyang itinuturo.
1| Pamaraang Pabuod o Inductive Method
Ang pamaraang ito ay angkop na angkop gamitin sa pagtuturo kaugnay ng pagbubuo ng tuntunin o pagkakaroon ng isang paaglalahat o generalization. Ang pamamaraang ito, kung minsan ay tinatawag na “Limang Pormal na Hakbang sa Pagtuturo” o dili kaya ay “Herbatian Method” sapagkat ipinakilala ito sa larangan ng pagtuturo ni Herbert. Sinasabi rin ito na nagsimula sa nalalaman patungo sa hindi nalalaman. Nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa tuntunin kaya’t nasasabing ito ay egrule na pamamaraan. Ang pamamaraang ito ay may limang hakbang 1) paghahanda o preparation, 2) paglalahad o presentation, 3) paghahambing at paghalaw o comparison and abstraction, 4) paglalahat o generalization at 5) paggamit o application.
2| Pamaraang Pasaklaw o Deductive Method
Ang pamaraang pasaklaw ay kabaligtaran ng pamaraang pabuod. Samantalang ang pamaraang pabuod ay nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa paglalahat o pagbubuo ng tuntunin, ang pamaraang pasaklaw naman ay nagsisimula sa paglalahat ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa kaya may taguring “rule” o “rule of example”. May limang hakbang ito 1) panimula o introduction, 2) pagbibigay ng tuntunin o katuturan o giving of rules/generalization 3) pagpapaliwanag ng tuntunin o interpretation of the rule, 4) pagbibigay ng halimbawa o giving examples 5) pagsubok o testing.
3| Pamaraang Pabalak o Project Method